Mga kalihim na nabibigatan umano sa trabaho, pabirong pinasaringan ni PBBM

Nagbigay ng pabirong pasaring si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang mga cabinet secretaries na umano’y “nabibigatan” sa trabaho.

Sa kaniyang talumpati sa annual Christmas tree lighting sa Malacañang, sinabi nito na habang may ilang miyembro ng gabinete na “nabibigatan” sa trabaho, siya mismo ay walang nararamdamang bigat sa trabaho.

Hindi rin umano niya alam kung ano ang tinutukoy ng mga nagrereklamo.

Gayunman, kinilala ng pangulo ang kani-kaniyang pinagdadaanan ng bawat Pilipino.

Kaya isang paalala aniya ang Kapaskuhan na pansamantalang ilapag ang trabaho at bigyang-oras ang pamilya, lalo na para sa mga abalang mmanggagawa na madalas nakakaligtaan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments