Pinaiiwas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motoristang daraan sa bahagi ng Monumento ni Bonifacio sa Caloocan City sa Hunyo 12, araw ng Linggo.
Ito’y dahil sa isasara ang mga lansangan sa paligid ng Bonifacio Monument sa nabanggit na araw para bigyang daan ang mga aktibidad para sa ika-124 araw ng Kalayaan o Independence Day.
Partikular na isasara sa trapiko ang mga bahagi ng McArthur Highway, Samson Road, Rizal Avenue, at EDSA.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na kunin ang Heroes Del 96, kaliwa sa 10th Avenue patungo sa destinasyon para sa mga magmumula sa bahagi ng Sangandaan-Samson Road patungong EDSA.
Para naman sa mga magmumula sa Rizal Avenue patungong McArthur ay dapat kumaliwa sa 10th Avenue, kanan sa Heroes Del 96 St., kanan sa Samson Rd., kaliwa sa Dagohoy, kaliwa sa Caimito Rd., kanan sa Langka St. patungo sa destinasyon.
Sa mga patungong EDSA, dumaan lang sa 10th Ave., kaliwa sa B. Serrano habang sa mga mula EDSA at patungong Samson Rd., kumanan sa McArthur, kaliwa sa Gen. Pascual patungo sa destinasyon.
Habang sa mga magmumula naman sa McArthur patungong Rizal Ave., dumaan sa Gen. Pascual patungo sa destinasyon.
Maglalagay naman ng Zipper lane ang MMDA para sa mga tutungong EDSA sa Northbound, kumaliwa lang sa 8th Street at kaliwa patungo sa destinasyon.