Mga kalsada sa Baliuag, Bulacan, ipasisilip din ni PBBM

Sinita rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kalidad ng kalsadang dinaanan nito kahapon papunta sa Barangay Piel sa Baliuag, Bulacan kung saan ay personal na sinadya ang isang flood control ghost project.

Bagama’t sentro ng interview ang anomalya sa flood control project, mismong si Pangulong Marcos ang kusang nagbanggit ng kalsada na dinaanan niya papunta sa lugar.

Ayon sa Pangulo, napakanipis at sira-sira ang ipinatong na aspalto, kaya kailangan talagang lumipat ng linya ang kanilang sasakyan.

Dahil dito, ipasisilip din ng Pangulo maging ang naturang kalsada.

Kahapon ay personal na pinuntahan ng Pangulo ang Barangay Piel sa Baliuag, Bulacan na may kasikipan ang daan at bahagyang liblib na area na mararating lamang by land at walang malapit na helipad na maaaring paglandingan ng chopper ng Pangulo.

Facebook Comments