Mga kalsada sa Eastern Visayas, maaari nang daanan

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bukas na ang mga kalsada sa Eastern Visayas na naapektuhan ng Bagyong Bising.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, partikular na passable na ngayon ang Wright-Taft-Borongan Road, Camp 5 Boundary – Jct. Taft sa Barangay Binaloan, Taft Town at Jct. Taft-Oras-San Policarpio-Arteche Road sa Barangay Bigo sa Arteche, Eastern Samar, gayundin ang Biliran-Naval Road, Catmon Bridge Detour sa Barangay Catmon, Naval, Biliran at ang Awis-Catubig Road sa Barangay Simora, Laoang sa Northern Samar.

Samantala, nananatiling sarado ang Catanduanes Circumferential Road sa Barangay Marinawa sa bayan ng Bato.


Ang naturang kalsada ay nananatiling sarado dahil sa landslide sa lugar.

Facebook Comments