Mga kama ng Las Piñas General Hospital para sa COVID-19 patients, puno na rin

Kinumpirma ng pamunuan ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center na okupado na rin lahat ang kama nila para sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ni Dr. Rodrigo Hao, Medical Director ng nasabing ospital, naabot na nila ang 100% occupancy rate ng kanilang COVID-19 wards na aabot sa 68 kama.

Sa ngayon aniya, may mga nasa waiting list pa para sila ay ma-accommodate.


Dahil anya rito, sinimulan na nilang isara ang kanilang Out-Patient Department (OPD).

Kinumpirma rin ni Hao, mula sa mahigit 500 nilang mga medical frontliners at ibang staff, nasa 38 pa ang patuloy na ginagamot dahil sa COVID-19.

Facebook Comments