Nagnegatibo sa bagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom ang mga kamag-anak ng domestic worker na nagpositibo sa mas nakakahawang strain ng virus sa Hong Kong.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, nagmula ang mga samples sa mga kamag-anak nito mula Solana, Cagayan at Manila, na siyang nakasalamuha ng 30-anyos na Pinay nang dumating ito sa Pilipinas.
Umalis ang Pinay patungong Hong Kong noong ika-22 ng Disyembre kung saan siya na-detect na positibo sa bagong variant.
Sa ngayon sinabi ni Vergeire na stable na ang kondisyon ng Pinay.
Facebook Comments