Mga kamag-anak ng nawawalang sabungero, nakuhanan na ng DNA profile

Nakuhanan na ng DNA samples ang 12 kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, ang mga sample ay gagamitin sa isasagawang “cross matching” upang matukoy kung tumutugma ito sa mga butong narekober sa paligid ng Taal Lake.

Paliwanag ni Fajardo, kung magpositibo ang mga resulta ng pagsusuri, maituturing itong isang major breakthrough sa matagal ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Bukas din aniya ang PNP sa pagtanggap ng karagdagang DNA samples mula sa iba pang kaanak ng mga biktima upang mapabilis ang imbestigasyon.

Samantala, nilinaw naman ng PNP na sa 15 pulis na idinadawit sa kaso, 12 na lang ang hawak nila ngayon matapos masibak sa serbisyo ang tatlo sa mga ito.

Facebook Comments