Manila, Philippines – Sabay-sabay na pinatunong ng mga simbahan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang kanilang kampana, alas 8 kagabi.
Ito’y matapos ipag-utos ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang panunumbalik ng tradisyunal na “de profundis” sa buong Maynila, bilang pag-alala sa mga biktima ng Extrajudicial Killings at mga napapatay sa war on drugs ng pamahalaan.
Ang “de profundis” o “out of the depths” ay isang panalangin para sa mga yumao na sinasabayan ng tunog ng kampana.
Ayon kay Tagle, ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino ay halos nakakalimutan na at ito na ang panahon para muli itong buhayin.
Facebook Comments