Isa-isang sinagot ni Korina Sanchez-Roxas ang mga “kumampi” sa tigil-operasyon ng ABS-CBN kasunod ng cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) dulot ng kawalan ng balidong prangkisa.
Sa Instagram post, tahasan niyang tinanong si Solicitor General Jose Calida kung sino ang Diyos nito na pilit ipinapasara ang istasyon kahit labag ito sa batas.
“Talaga? Ano namang, excuse me, abuso ito? SolGen Joe Calida used to be very close to my Mom Celia Sanchez. They attend the same bible study. Kelan at paano kaya pwede ipakulong ang mga totoong abusado?,” mensahe ng batikang mamamahayag.
Taliwas sa utos ng komisyon, binanggit ng mamamahayag ang saloobin ni Rep. Franz “Chicoy” Alvarez na tanging Kongreso lamang ang may karapatan sa pagbawi o pagpapalawig ng legislative franchise ng Kapamilya network.
Subalit sa comment section ni Sanchez, may nagsabing karma raw ito ng ABS-CBN.
Sagot ng “Rated K” host, “Excuse me. Hindi pa tapos ang karma dito.”
Pahayag naman isang netizen, tama lang daw na ipasara ang himpilan bunsod ng “unfair competition” na pumapatay daw sa mga maliliit na media network at cable operators.
“The general public who’s been paying ABS-CBN for their services which violates for their ‘Free-to-air’ license. Ngayon lang sinusubukang itama, at nagkataon lang na mapapaso na ang franchise nila kaya nagkaroon ng ingay. Stop blaming the Government! Be open minded nlng kasi may mga hidded agenda e.”
“Oh Puhleeeez itama mo muna ingles mo o kaya magtagalog ka nalang kaya?” maikli pero maanghang na tugon ng premyadong journalist.
Humirit naman ang isang socmed user na hindi dapat exempted sa batas ang ABS-CBN.
“Does this mean our law is only applicable to the powerless like small vendors, ordinary people, marginalized people, etc? Freedom of the process or freedom to supressman?”
Buwelta ng personalidad, dapat nitong kuwestiyon ang Kongreso na hindi inaksyunan ang 11 panukalang batas na nakabinbin.
“Dear, PAG ARALAN MO MUNA ANG LAHAT NG BATAS HINDI YUNG BATAS NA GUSTO MO LANG GAMITIN. Period,” pagpapatuloy ni Sanchez.