Iniutos na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa lahat ng PNP units sa Metro Manila at Rizal na ang mga kampo at opisina ay apektado ng temporary water shortage na i-observe ang pagtitipid ng tubig.
Ito ay dahil na rin sa nararanasang tindi ng init ng panahon epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Albayalde, nagtalaga na ng ang Headquaters Support Units ng mga taong magiinspeksyon sa mga PNP Camps at Facilities upang matukoy ang mga unnecessary water usage o pagsasayang ng tubig.
Direktiba rin ni Albayalde sa PNP units na tulungan ang mga Barangay Authorities sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga distribution points kung saan nagaganap ang mga pila balde.
Babantayan rin ng PNP ang posibleng iligal na pagkokonek sa main water lines o unauthorized tampering from main water lines.