Mga kampo ng militar, handang tumulong sa mga stranded – PRRD

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taong na-stranded na pumunta sa mga kampo ng militar para mabigyan sila ng tulong.

Sa kanyang mensahe sa online stream, handa ang Philippine Army at Philippine Airforce na tulungan ang mga ito.

Nakiusap din ang Pangulo ang military commanders’ ng iba’t-ibang kampo sa bansa na patuluyin at bigyan ng pagkain ang mga walang mauuwian o matutulugan.


Nabatid na daan-daang tao ang hindi pinayagang makapasok sa iba’t-ibang lugar sa luzon lalo na sa Metro Manila dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magtatagal hanggang April 13.

Facebook Comments