Mga kampo ng PNP, gagawing vaccination site

21

Utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng regional directors at provincial directors na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) sa pagtukoy ng mga police camp na maaaring magamit na vaccination site.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag makaraang sabihin ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang police at military camps ay gagamitin na munang vaccination sites sa A4 priority sector habang patuloy na dumarating ang mga bagong suplay ng bakuna.


Dahil dito, pinaghahanda ni Eleazar ang mga regional at provincial director na ihanda ang kanilang mga tauhan upang maghatid at magsundo ng mga babakunahan.

Para kay Eleazar, ang mga kampo ng pulis ay magandang vaccination sites dahil ito ay maluwag at may open space na sakto para matiyak na masusunod ang social distancing.

Facebook Comments