Mga kampo ni Abu Turayfe tuluyan ng nakubkob ng Milf

Tuluyan ng nakubkob ng Bangsamoro Islamic Armed Forces(BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front ang mga kampo kabilang ang stronghold position ni Daes Inspired group leader Esmael Abdulmalik ng Jamatul Mujahireen Al Wansar sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao.
Sa ipinalabas na video ng Biaf Milf kung saan ay nagsalita ng wikang Arabic at Maguindanaon si 118 base commander Ustadz Abdulwahid Tondoc at sinabi niyang nakubkob nila ang mga kampong pinagkukutaan ni Abu Turayfe sa barangay Andavit at barangay Tee sa bayan ng Datu Salibo. Dito aniya itinayo ng grupo ang kulay itim na watawat ng Isis at dito rin sila nagpalakas para sa kanilang misyon.
Pahayag pa ni Ustadz Wahid ito aniya ay bunga ng kanilang inilunsad na massive operation na pinangunahan ng Task Force Ittihad ng Milf at may suporta mula sa 6th Infantry Division. Nakuha ang nasabing mga kampo sa loob ng isang buwan at dalawamput pitong araw na pakikipaglaban sa mga terorista.
Pinaniniwalaang umalis na sa lugar si Abu Turayfe at lumiliit na rin ang mundong kanyang ginagalawan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments