MGA KANAL SA BAYAN NG BAYAMBANG, PATULOY NA NILILINISAN

Patuloy sa paglilinis ng mga kanal ang Engineering Department ng bayan ng Bayambang para sa pagpapanatili ng kalinisan at maiwasan ang baha sa kanilang bayan.
Isa ang cleaning operation na ito sa diskarte ng bayan para pag iwas sa baha dahil ang mga kanal ang nagiging vital drainage channel kapag umuulan.
Naglalayon ang paglilinis na ito ng departamento na matiyak ang tamang daluyan ng tubig at maging mabawasan ang maaaring maging panganib ng baha lalo na tuwing tag-ulan.

Hiling naman ng Engineering Department ang kooperasyon ng mga residente na kanilang nasasakupan na maging bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga kanal at maging pagtapon ng kanilang mga basura dahil karamihan sa mga nakitang dumi sa kanal ay mga plastic bottles. |ifmnews
Facebook Comments