Tuloy-tuloy ngayon ang layunin ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos ukol sa pagpapanatili at pag-aayos ng mga kanal sa lungsod.
Regular itong ginagawa ng LGU dahil prayoridad din umano nila ang kaligtasan ng mga binibiling produkto ng mga mamimiling pumupunta sa pamilihang bayan.
Pakiusap naman ng LGU na sana umano ay makipagtulungan ang mga tindera maging ang mga mamimili na iwasang magtapon o maghulog ng kahit anong basura upang hindi maging sanhi ng pagkabara sa mga ito.
Samantala, pinuri naman ng mga mamimili at tindera sa palengke ang regular na paglilinis sa lugar upang mas marami pang mga residente o kababayan ang mamamalengke dahil alam nilang malinis at maayos ang naturang pamilihang bayan. |ifmnews
Facebook Comments