MGA KANDIDATA SA MUTYA NG ALICIA 2024, SUMAILALIM SA PAGSASANAY

CAUAYAN CITY- Matagumpay na natapos ang dalawang araw na pagsasanay ng mga kandidata ng Mutya ng Alicia 2024 sa bayan ng Alicia, Isabela.

Layunin ng pagsasanay na pagbutihin ang iba’t-ibang aspeto ng kanilang paglalakbay sa patimpalak katulad ng paglalakad, pagsasalita, at pagpapanatili ng positibong saloobin.

Ang aktibidad ay naging posible dahil sa LGU Alicia sa pamamagitan ng Alicia Tourism and Cultural Office.


Samantala, gaganapin ang pre-pageant sa ika-26 ng Setyembre habang Grand Coronation Night naman sa ika-27 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Facebook Comments