Mga kandidato, ipinagbabawal na magbigay ng ilang donasyon

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi pinapayagan ang mga kandidato na mag-abot ng donasyon lalo na sa pagpapatayo o pagsasaayos ng anumang public facilities kabilang na ang simbahan.

Sa Facebook post, sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia – nakasaad sa Omnibus Election Code na walang sinumang kandidato, maging ang mga kamag-anak nito sa loob ng second civil degree ng consanguinity o affinity, kasama ang campaign manager, agent o representative ang magbibigay ng donasyon, kontribusyon o cash gift, o in-kind sa construction o repair ng mga simbahan o anumang istraktura na ginagamit ng publiko.

Hindi maaari itong gawin sa loob ng campaign period, bago o sa mismong araw ng halalan.


Itinuturing itong election offense, kapag nalabag ay paparusahan ng isa hanggang anim na taong pagkakakulong, diskwalipikasyon sa paghawak ng public office at tatanggalan ng karapatang bumoto.

Pero nilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang regular donations na ibinibigay sa simbahan tulad ng “tithes” ay pinapayagan.

Facebook Comments