Mga kandidato ng administrasyon, patuloy na nangunguna sa senatorial race

Manila, Philippines – Nananatiling nangunguna ang mga kandidato ng administrasyon sa senatorial race ng katatapos lang midterm election.

Base sa partial/unofficial result sa transparency server ng Commission on Elections o Comelec na inilabas kaninang alas 12:26 ng hapon pasok sa top 12 sina:

  1. Villar, Cynthia (NP)  24,419,330
  2. Poe, Grace (IND) 21,351,391
  3. Go, Bong Go (PDPLBN) 19,794,562
  4. Cayetano, Pia (NP)         19,085,957
  5. Dela Rosa, Bato (PDPLBN) 18,192,132
  6. Angara, Edgardo Sonny (LDP) 17,556,384
  7. Lapid, Lito (NPC) 16,413,651
  8. Marcos, Imee (NP)         15,322,447
  9. Tolentino, Francis (PDPLBN) 14,901,491
  10. Revilla, Ramon Bong (LAKAS) 14,112,658
  11. Pimentel, Koko (PDPLBN)         14,105,270
  12. Binay, Nancy (UNA)                 14,085,137

Sa ngayon ay nasa 94.68 percent na ang total numbers of election returns na naproseso o kabuuang 45,490,584 na boto mula sa mahigit 63 milyong naka-rehistro.

Facebook Comments