Mga kandidato, pinayuhan ng Comelec na iwasang magkalat sa mga kalsada

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato na iwasang magkalat ng campaign materials sa mga kalsada.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat ding iwasan ng mga kandidato na mag-ingay kapag masyado pang maaga para hindi makabulabog sa mga residente.

Iwasan din aniyang magdagdag sa mabigat na daloy ng trapiko at iwasang maging dahilan ng pagbabara sa mga iskinita.


Dapat din aniyang rendahan ng mga kandidato ang kanilang supporters para manatili ang kapayapaan sa panahon ng pangangampanya.

Facebook Comments