Mga kandidato sa 2022 elections, dapat magbigay ng roadmap para sa pagbangon ng bansa sa COVID-19 pandemic – political analyst

Wala pa ring kandidato sa ngayon ang naglalatag ng malinaw na roadmap para sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ng isang political analyst ngayong nasa huling araw na ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa 2022 national elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Michael Yusingco, senior research fellow ng Ateneo de Manila University na bagama’t maaga pa naman ay umaasa siyang ibibigay na ng mga kandidato ang kanilang mga plano para makapili nang maayos ang mga botante.


Samantala, ayon naman sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, hindi na masyadong mahalaga ngayon para sa mga botante kung ano ang kinabibilangang political party ng isang kandidato.

Facebook Comments