Mga kandidato sa Barangay at SK sa Buldon lumagda sa isang Peace Covenant

Lumagda sa isang Peace Covenant ang halos lahat ng mga tumatakbong kandidato sa bayan ng Buldon na makikiisa para magkaroon ng Honest, Order at Peaceful Election sa Mayo 14 .

Sumaksi sa aktibidad si Buldon Mayor Abolais Manalao kasama ang mga opisyales ng Comelec, PNP at AFP. Isinagawa ito sa Dinganen Gym noong April 23.

Nangako naman ang 50 dumalong kandidato para Baranggay at SK na tutugon sa lahat ng mga napag -usapan lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong bayan.


Lubos namang sinaluduhan ni Mayor Manalao ang naging inisyatiba ng mga kandidato na karamihan ay mga magkakamag anak lamang din. Ang Buldon ay may 15 Baranggay.

Facebook Comments