MGA KANDIDATO SA ELECTION KAILANGANG MAGSUMITE NG KANILANG CAMPAIGN ACTIVITIES

Kinakailangan nang magsumite ng kanilang campaign activities sa Commission on Elections ang mga kakandidato ngayong 2022 elections.

Ito ay bagong direktiba ng IATF na kailangang dumaan sa pag-apruba ng komite dahil sa nararanasang pandemya.

Ang komite ay kinabibilangan ng DOH,PNP, AFP at DILG.

Ang house-to-house, motorcades at iba pang aktibidad ay kabilang sa mga kailangang ipaalam sa komite.

Samantala, ang PNP Region 1 ay magdedeploy ng 5, 314 na personnel nito sa papalapit na election upang masiguro ang peace and order. | ifmnews

Facebook Comments