Mga kandidato sa Malabon, kinasuhan sa Office of the Ombudsman

Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga kandidato sa Malabon.

Isang supplemental case ang isinampa ni Atty. Franceska Feraren laban kay Lorenzo “Enzo” Oreta, dating konsehal ng Malabon City District 2, at kapatid ni dating Malabon City Mayor Antolino “Lenlen” Oreta.

Paglabag sa Republic Act No. 3019, Gross Inexcusable Negligence at Grave Misconduct ang isinampa niya laban sa naturang kandidato.

Nag-ugat ang kaso sa di-awtorisadong distribusyon ng e-trike units mula 2019 at 2022.

Idinaan kasi umano ito sa tanggapan ni dating Councilor Enzo Oreta at iba pang opisyales sa halip na sa tanggapan ni dating Mayor Lenlen Oreta.

Hindi umano nasunod ang itinatakdang proseso ng deployment plan gaya ng pagsasagawa muna ng raffle selection at committee screening/approval.

Facebook Comments