Mga kandidatong dumadalo sa mga Presidential events, hindi inimbitahan ng Pangulo – Malacañang

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi inutusan o Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga kandidato na sumama sa kanyang mga lakad.

Matatandaan nitong mga nakaraang araw ay nakita na kasama ni Pangulong Duterte ang ilang kandidato sa kanyang mga out of town events partikular sina dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, dating Secretary Francis Tolentino at dating PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na mga inendorso din naman ng Pangulo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi bitbit ng Pangulo ang mga kandidato bagkus ay nagpupunta lang talaga ang mga ito sa mga events ng Pangulo.


Nilinaw din nito na hindi naman lahat ng kandidato na nagpupunta sa mga events ng Pangulo ay ineendorso nito.

Wala din namang nakikitang mali ang Palasyo sa pagpunta ng mga kandidato sa mga Presidential Events at walang nilalabag ng batas dahil wala namang limitasyon kung ilang lugar ang gustong puntahan ng mga kumakandidato.

Facebook Comments