Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung sino lamang ang mga dumalo sa proclamation rally ng PDP-Laban, ay sila lang ang ini-endorso niya sa pagka senador sa midterm election.
Ibig sabihin ‘yung mga senatorial candidates sa binuong partido ni Davao Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na wala sa proclamation rally ng PDP-Laban, ay hindi ikinakampanya ng Pangulo. Kabilang dito si Senador Jinggoy Estrada.
Ayon sa Pangulo, kaya lang niya binanggit si Jinggoy noon sa isang event sa Legazpi, Albay ay dahil present siya noong araw na yon.
Bukod dito, hindi na aniya ito kasama sa mga personal niyang pambato.
Kaugnay nito humingi na rin ng paumanhin ang Pangulo sa PDP-Laban dahil aniya sa pagkakaroon ng kalituhan sa senatorial line up ng partido, dahil hindi sila magkasundo ng anak na si Mayor Sara.