Posibleng maparusahan ang mga kandidatong gagamit ng “deep fakes” sa pangangampanya para sa Halalan 2022.
Ito ang inihayag ni COMELEC spokesperson James Jimenez matapos maglipana ang mga maling balita tungkol sa mga kandidato o personalidad.
Ang “deep fakes” ay mga videos na hinati-hati at in-edit para ibahin ang pahayag ng isang tao tungkol sa isang isyu.
Ayon kay Jimenez, ang ganitong patakaran ay nakasaad sa ipinasa at pinirmahang Certificates of Candidacy (COC) ng mga aspirant.
Dagdag pa niya, ang mga ganitong pakulo o content ay kalat na sa YouTube at ikinakalat din sa ibang social media platform.
Facebook Comments