Mga kandidatong gumagamit ng gender-insensitive jingle sa kampanya, posibleng maharap sa disqualification case

Posibleng maharap sa disqualification cases ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gumagamit ng campaign jingle na hindi gender-sensitive.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, batid ng Comelec na may ilang kandidato na gumagamit ng campaign jingle na malaswa o nakakasakit.

Maaari aniyang nakakatawa ito sa paraan ng ilan upang makuha ang atensyon ng botante ngunit dapat lagi aniyang gender-sensitive ito.


Kabilang sa mga ipinagbabawal na campaign materials, ay ang mga lumalabag sa gender-sensitive principle, malaswa, diskriminasyon, nakakasakit o ang paglabag sa Magna Carta of Women.

Facebook Comments