Mga kandidatong hindi susunod sa tamang paglalagay ng campaign materials, ipatatawag ng COMELEC

Hindi na nagsasagawa ng pagbabaklas ng mga tarpaulin ng kandidato ang Commission on Elections (COMELEC) mula nang mag-umpisa ang campaign period para sa local candidates nitong Biyernes.

Pero ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mula ngayong weekend ay nagpadala na sila ng mga sulat sa local candidates para alisin ang mga campaign materials na nakapaskil sa mga bawal na lugar.

Sakali aniyang hindi sumunod, saka sila magpapadala ng show-cause orders laban sa mga kandidato.

Hindi dapat lumagpas sa walot kalahating pulgada ang lapad ar 14 inches ang haba ng size ng printed materials para sa local candidates.

Nasa 2 feet by 3 feet naman para sa posters o standees ang pinapayagan at na hindi lalagpas sa 3 feet by 8 feet para sa streamers.

Pinagbabawalang magpaskil ng campaign materials sa waiting sheds, bangketa, poste ng kurtente at iba pang signboards na nasa public property.

Bawal din sa mga overpass, flyover, underpass, tulay, center island ng kalsada, paaralan, barangay hall, tanggapan o anumang gusali ng gobyerno, at maging sa mga pampublikong terminal.

Samantala, ido-donate naman ng COMELEC ang mga nakumpiskang campaign materials para i-recycle.

Facebook Comments