Mga kandidatong kasama sa narcolist, hindi madidiskwalipika – Comelec

Manila, Philippines – Walang nakikitang problema ang Commission on Election o Comelec sa plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa paglalabas ng narcolist ngayong campaign period.

Ayon kay Comelec Sheriff Abas, hindi ito sapat na basehan para ma-disqualify ang isang kandidato kapag siya ay napasama sa ilalabas na listahan ng mga umano’y dawit sa kalakaran ng ilegal na droga.

Aniya, mananatiling inosente ang isang kandidato hangga’t hindi ito nahahatulang guilty kaya hindi ito maaaring ma-disqualify sa halalan.


Sabi naman ni Comelec Spoksperson James Jimenez, bagaman makatutulong ang listahan sa mga law enforcement agency, hindi ito makakaapekto sa kandidatura ng isang tao.

Iginiit naman ni Police General Oscar Albayalde na mahalaga pa ring ma-validate ang narcolist.

Nauna nang ibinahagi ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya na walang tiyak na resulta ang paglalabas ng listahan ng mga kandidatong dawit sa ilegal na droga, base raw sa nangyari noong 2018 barangay elections.

Kahit daw naglabas ng listahan noong nakaraang halalan, may ilang kandidato pa ring napasama sa ‘narco list’ ang nanalo.

Facebook Comments