Mga kandidatong kinokotongan ng NPA, hinikayat na magsumbong sa mga otoridad

Pinapayuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga kandidato na magsumbong sa pulis at militar sakaling harangin ng New Peoples Army (NPA) ang kanilang pangangampaniya, o hingan sila ng bayad para sa permit sa pangangampaniya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng kalihim na matagal nang ginagawa ng mga NPA ang pangingikil sa ilang mga kandidato.

Tinatarget aniya ng mga NPA ang mga pinakaliblib na lugar.


Isa aniya ito sa mga dahilan kung bakit mayroong task force na binuo upang magmanman sa mga lumalabag sa batas.

Ayon sa kalihim, maaari namang samahan ng mga pulis at militar ang mga kandidato sa pagtungo sa mga liblib na komunidad.

Facebook Comments