Mga kandidatong lalabag sa campaign regulations, kakasuhan

Kakasuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong lumalabag sa mga patakaran sa pangangampanya.

Partikular na rito ang mga nagpapaskil ng campaign posters at tarpaulin sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ihahanda nila ang mga isasampang kaso bago matapos ang kampanya.


Dagdag pa ng Jimenez – malalagay din sa alanganin ang mga kandidatong magbibigay ng pera at donasyon sa mga biktima ng kalamidad.

Maaari ring ituring itong “vote buying”.

Hindi aniya basta-basta ang pamimigay ng anumang tulong ang kandidato lalo at mayroong pagbabawal sa paglalabas ng pondo ng gobyerno sa panahon ng halalan.

Pero nilinaw ng poll body na nagbibigay sila ng konsiderasyon pagdating sa pamamahagi ng tulong basta dumaan sa tamang proseso.

Facebook Comments