Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na maituturing na election offense ang paglabag sa health and safety protocols habang nasa pangangampanya.
Ayon sa Comelec, kinakailangang masunod sa lahat ng pagkakataon ang health protocols at magsusumite ang election candidates o ang political parties ng affidavit of compliance tuwing matatapos ang campaign activity.
Sinumang mapapatunayang lumabag na kandidato ay posibleng makulong nang isa hanggang anim na taon at disqualified na rin sa anumang public office.
Bukod diyan, hindi na rin papayagang makaboto ang sinumang kandidatong mapapatunayang lumabag sa health protocols sakaling mapatunayan ng Comelec.
Facebook Comments