Mga kandidatong magbibigay ng pera sa NPA, mananagot

Muling nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na kakasuhan ang mga kandidato na magbibigay ng pera sa mga miyembro ng New Peoples Army o NPA.

Ayon sa DILG, sa ngayon ay may mga lokal na opisyal na silang binabantayan dahil sa pagbibigay ng pera sa mga rebelde.

Giit ng ahensya, ang pagbibigay ng pera sa mga rebelde ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta sa karahasan at terorismo na ginagawa ng NPA.


Batay sa tala ng PNP, nasa 346 opisyal ang kanilang binabantayan dahil sa pagbibigay ng pera sa rebeldeng grupo.

Facebook Comments