Mga kandidatong mapapatunayang magbabayad sa NPA, tiyak na madi-disqualify ayon sa NTF-ELCAC

Nagbabala si National Security Adviser at National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Secretary Hermogenes C Esperon, Jr., na madidiskwalipika ang mga kandidato sa halalan na magbabayad ng permit to campaign fee at permit to win fee sa New People’s Army (NPA).

Ito’y matapos na ideklara ng Commission on Elections (COMELEC) na iligal ang naturang extortion activity.

Batay sa COMELEC Resolution No. 22-0179 ang pagbabayad ng PTC at PTW ay kabilang sa vote-buying at voter coercion election offenses.


Ayon kay Esperon, ang mga kandidato na magbibigay ng pera sa mga teroristang komunista ay gumagawa ng pinakamataas na antas ng pagtataksil sa mga Pilipino, “public trust” at sa konstitusyon na lehitimong dahilan para sa kanilang disqualification.

Pinuri naman ni Esperon ang COMELEC sa kanilang hakbang para mapigilan ang panghimasok ng mga teroristang komunista sa election process.

Facebook Comments