Mga kandidatong maraming bodyguard, binalaan ng PNP

Manila, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga kandidatong maraming bodyguard.

Ito ay sa harap na rin ng pagsisimula ngayong araw ng pangangampanya o campaign period para sa national position kaugnay sa gaganaping midterm election

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, batay sa omnibus election code, dalawang security detail lang ng kandidato ang pinapayagang may bitbit na armas.


Kung lampas sa 2 ang security detail ng isang kandidato hindi sila maaring magbitbit ng armas dahil maikokonsidera na itong paglabag.

Nilinaw naman ni Albyalde na hindi bawal ang maraming bodyguard ngayong panahon ng eleksyon pero kailangan 2 lamang sa lahat ng bodyguard ng kandidato ang may baril.

Ipinakalat na raw ni Albayalde sa lahat ng PNP Commanders ang patakarang ito upang maipaalala sa mga kandidato nang sa ganun ay hindi maharap sa kaso kapag nahuli ng mga awtoridad.

Facebook Comments