Mga kandidatong may campaign rules violation, hindi pa maisasapubliko

Photo Courtesy: Comelec

Manila, Philippines – Hindi pa maisasapubliko ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ng mga kandidato na lumabag campaign rules.

Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez – bahagi kasi ito ng “legal proceedings”.

Pero tiniyak ni Jimenez – na ilalabas nila ang pangalan ng mga ito sa tamang panahon.


Matatandaang nanawagan ang poll watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa Comelec na pangalanan ang mga kandidatong na nilabag ang campaign rules.

Facebook Comments