MGA KANDIDATONG MAY TARPAULIN AT PARAPHERNALIAS NA NAKAKABIT AT NAKAPAKO SA PUNO, BINALAAN NG DENR KASABAY NG NALALAPIT NA ELEKSYON AT CAMPAIGN PERIOD

MABINI, PANGASINAN – Iginiit ngayon ng Department of Environment and Natural Resources na kanilang pagmumultahin ang mga kandidato o mga indibidwal na naglalagay at nagpapako ng mga tarpaulins at campaign paraphernalias sa mga puno, ito ay kasabay ng paglipana ng mga ito ngayong papalapit na ang eleksyon.

Ang pagbabawal na ito ay batay sa umiiral na batas na Presidential Decree 953 Section 3 na kung sinumang tao na namutol, nanira o naminsala sa mga tanim na puno sa mga pampublikong lansangan, plaza, national parks at iba pa ay may pananagutan dito.

Maaari pa umanong makulong ang mga lumalabag sa anim na buwan ngunit hindi lalagpas sa dalawang taon at may multa na mula sa limang daang piso (P500) hanggang limang libong piso (P5,000) o pagkakulong at multa.


Ang mga paraphernalias na nakakabit umano sa puno ay maaaring baklasin ng DENR kung nakita itong nakakabit sa mga puno.

Samantala, hindi pa umano maaaring ma-regulate ng COMELEC ang ganitong sistema ng kandidato dahil sa papasok lamang ang regulasyon sa mga ito tanging sa pagpapasok ng Election Period.###

Facebook Comments