Mga kandidatong miyembro ng PDP-Laban na kasama sa narco-list, aalisin

Aalisin ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na nanalo sila sa nitong May 13 midterm elections.

Ayon kay PDP-Laban public information committee chairperson, Spokesperson Ronwald Munsayac – hinihintay nila ang written response ng mga concerned member.


Ang narcolist na inilabas ng Pangulo nitong Marso na kinabibilangan ng nasa 10 miyembro ng ruling party.

Walo rito ang tumakbo sa halalan o may Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) at dalawa ay incumbent mayor na hindi tumakbo.

Nangako naman si PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel III na tatanggalin ang mga miyembro na hindi magbibigay ng maayos na paliwanag hinggil sa pagkakasama nila sa narco list.

Facebook Comments