Mga kandidatong nagmamatigas magbaklas ng campaign posters, binalaan ng Comelec

Binalaan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mga kandidatong nagmamatigas magbaklas ng kanilang campaign materials.

Ayon kay Guanzon, maituturing pa rin itong election offense kahit tapos na ang halalan.

Sinabi naman ni Comelec Spokesman James Jimenez na obligasyon ng mga kandidato, nanalo man o natalo ang pagbaklas ng mga ginamit nilang election materials.


Aniya, hindi trabaho ng poll body ang magtanggal ng campaign posters.

Bagama’t may ilan nang kandidato ang nagtanggal ng kanilang posters at tarpaulins, marami pa rin ang hindi tumutugon sa panawagan ng Comelec.

Facebook Comments