Mga kandidatong pasaway padadalhan ng notice ng Comelec

Manila, Philippines – Padadalhan ng Comelec ng notice ang mga kandidatong kasama sa mga naidokumento ng poll body dahil sa mga paglabag sa panuntunan sa pangangampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, layon nito na maitama ng mga kandidato ang kanilang mga violation sa campaign materials.

Ang documentation ay isusumite rin sa Comelec Law Department para sa kaukulang aksyon.


Samantala, patuloy ang pag-imprenta ng poll body ng mga balotang gagamitin sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Jimenez, 700,000 ballots kada araw ang kanilang ini-imprenta at sa susunod na linggo ay inaasahang mahigit isang milyong balota kada araw na ang mapi-print.

Facebook Comments