Mga kandidatong perpetually disqualified na manungkulan sa gobyerno pero naghain pa rin ng COC, hindi muna tatanggalin ng Comelec sa listahan

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na susunod sila sa utos ng Korte Suprema kaugnay sa mga kandidatong hindi na pwedeng tumakbo dahil sa kinakaharap na perpetual disqualification.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bago ang inilabas na desisyon ng Supreme Court ay naglabas na sila ng resolusyon na layong tanggalin sa listahan ang mga nahaharap sa ganitong parusa.

Pagkilala rin aniya ito sa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman.


Pero sa desisyon ng SC kahapon, isang Temporary Restraining Order (TRO) ang inilabas para ipatigil ang implementasyon ng pagkansela sa inihaing certificate of candidacies ng dalawang sinibak na alkalde na sina dating Cebu City Mayor Michael Rama at Mandaue City Mayor Jonas Cortes.

Ayon kay Garcia, ibig sabihin nito ay hindi muna nila tatanggalin sa listahan ang mga kandidato hangga’t walang pinal na hatol ang Korte Suprema o hangga’t hindi pa naiaalis ang TRO.

Facebook Comments