Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez na dadalo sa kanilang inilunsad na debate sa March 19 ang 10 presidential candidates.
Ayon kay Jimenez, naplantsa na rin ng Comelec ang mga panuntunan sa idadaos na debate.
Bukod sa 10 presidential aspirants, 8 vice presidentiables ang lalahok sa debate.
Nilinaw naman ng poll body na bawal magdala ng notes o kodigo ang mga kandidato.
Pero binigyan naman sila ng ideya ng topic sa debate pero walang specific na mga tanong na binigay.
Facebook Comments