Umabot na sa 2,558 na show cause orders ang naipalabas na ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa mga reklamo ng premature campaigning sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa 385 na show cause orders ang naipalabas ngayong araw.
Mayroon na ring natanggap na paliwanag ang Comelec mula sa 304 na kandidato na naisyuhan ng show cause orders.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pinag-aaralan pa rin ng Comelec task force ang mga natanggap na reklamo at maaaring madagdagan pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw.
Aabot naman sa 110 ang posibleng masampahan ng disqualification batay sa inisyal na assessment ng Task Force Kontra Epal.
Ibinasura naman ng Comelec ang 160 na mga reklamo dahil sa kawalan ng sapat na ebedensya.