MGA KAPITAN AT SK CHAIRMEN SA PANGASINAN HINIKAYAT NA PANSAMANTALANG ITIGIL ANG PAGSASAGAWA NG PUBLIC GATHERINGS SA BARANGAY

Itinutulak ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagbabawal sa pansamantalang pagsasagawa ng public gatherings sa mga barangay.
Sa proposed Resolution No. 184 -2022 “Urging Barangay Captains and SK Chairmen to temporarily discourage the holding of public gatherings in their area of Jurisdiction”, binigyan diin ni SP Member Jinky Zaplan na malaki ang papel ng mga ito upang mawakasan ang pandemya dulot ng COVID-19.
Aniya ang mga ito ay kailangang patuloy na ipaalala sa kanilang mga nasasakupan na huwag maging kampante at kailangang maging mapagmatiyag upang hindi na magkaroon pa ng aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Sinabi pa nito na hindi inirerekomenda ng SP ang pagsasagawa ng barangay fiesta, youth and sports activities at iba pang aktibidades sa barangay. | ifmnews
Facebook Comments