MGA KAPULISAN SA ILOCOS REGION, HANDANG-HANDA NA PARA SA NALALAPIT NA UNDAS 2022

Handang handa na ang mga kapulisan sa Ilocos Region para sa papalapit na Undas 2022.
Ilan sa mga maigihang pinaghandaan ng mga hanay ng kapulisan ay ang dagsa ng mga tao sa mga sementeryo, mga pagtutok sa mga tourist spots ng ilang probinsya gaya ng sa Ilocos Norte, paglalagay din ng mga assigned men sa mga barangay upang bantayan ang mga iiwang tahanan ng mga bibisita sa sementeryo, maging ang mga maaaring maging epekto ng undas sa daloy ng trapiko.
Ayon kay PLTCOL. George Depalog Jr., Regional Public Information Officer, talagang pinaghahandaan na nila ang ilang araw pa lang bago ang mismong undas dahil panigurado ang dagsa ng mga tao at matindi rin ang kanilang paalala sa mga tao na sumunod na lamang sa mga ipapatupad na rules and regulations upang hindi na madisgrasya o makaranas pa ng anumang aksidente.

Dagdag niya, asahan pa ang mga bagong plano at mga proyekto ng mga hanay ng kapulisan sa Ilocos region para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga taong nasasakupan nila. |ifmnews
Facebook Comments