MGA KAPUS-PALAD, NAMAHAGI NG TULONG SA MGA KAPWA NANGANGAILANGAN

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan na kung saan nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino. Kaugnay nito ay nagbigay ng relief packs ang mga benepisyaryo ng 4Ps mula sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan sa humigit kumulang tatlum pung (30) pamilya sa kanilang barangay.

Ang kanilag ibinahagi ay nagmula sa natanggap na emergency subsidy, sa pamamagitang ng kanilang pagmamalasakit ay naisipan nila na mag-ambagan upang makabili ng mga mahahalagang bagay na maipapamahagi sa panahon ng sakuna.

Ang isang relief pack ay naglalaman ng 1 kilo ng bigas, 1 pakete ng powdered milk, 1/4 na asukal, 1 pakete ng biskwit, 1 bote ng bagoong, 1 pakete ng kape, at 1 sardinas. Bukod sa pagkain, mayroon din itong 2 shampoo, 1 sachet ng toothpaste, 1 baretang sabong panlaba, at 1 sabong panligo. Sa ibang barangay naman ay may kasamang 500 grams na bihon at 5 piraso ng itlog.


Samantala umani naman ng papuri’t pasasalamat ang mga netizens matapos itong isapubliko sa social media. Patunay lamang ito na ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling estado sa buhay.

Facebook Comments