Mga kapwa akusado ni Pastor Quiboloy sa kasong human trafficking, ihahalo sa mga regular na mga preso sa Pasig City Jail —BJMP

Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na inihalo sa mga regular na Person Deprive of Liberty o PDL ang mga kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking sa Pasig City Jail.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, kabilang sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemanes na dumating pasado alas-singko ng hapon kahapon.

Paliwanag ni Bustinera, puno na ang Pasig City Jail kaya hiwa-hiwalay na ihahalo talaga ang mga ito sa iba pang bilanggo.


Tiniyak naman ni Bustinera ang seguridad ng mga ito sa piitan kasabay ng pagsiguro na walang matatanggap na VIP Treatment ang mga kapwa akusado ni Quiboloy at ituturing na regular na detainee.

Facebook Comments