Para masigurong mananatili ang economic at social stability, nanawagan ang Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga kapwa APEC leaders na magkaisa.
Ginawa ng pangulo ang panawagan sa ginanap na 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) Retreat Session saThailand.
Paliwanag ng pangulo na ang kanyang panawagan ay may kinalaman sa APEC Putrajaya Vision 2040 na layuning magkaroon ng bukas, pabago-bago, resilient at mapayapang Asia-Pacific Community sa taong 2040.
Ayon kay Pangulong Marcos, mayroong kinakaharap na problema sa kalikasan sa buong mundo na may malaking epekto sa mga susunod na henerasyon.
Kaya naman tiniyak ng pangulo na committed ang gobyerno ng Pilipinas sa pagkakaroon ng advance cooperative solutions para matutukan ang masamang epekto ng climate crisis sa pamamagitan ng iba’t ibang mga napagkasunduan nang mga international agreement katulad ng UN Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement.
Sinabi ng pangulo ang global agreements na ito ay may layuning masolusyunan ang mga isyu sa kalikasan.