Mga karagdagang hotel at schools, handa nang gamitin bilang quarantine facilities

Maaari pang gumamit ang pamahalaan ng karagdagang hotels at paaralan bilang temporary isolation at quarantine facilities para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa nagkukulang ng mga pasilidad pero pinaghahandaan ng pamahalaan sakaling tumaas ang infections.

Aniya, mas maraming Pilipino ang uuwi dahil dumarami rin ang mga bansang apektado ng bagong COVID variant, unang na-detect ng United Kingdom.


Dahil sa ipinapatupad ng 14-day quarantine para sa returning Filipinos, dapat magtayo ng karagdagang temporary isolation facilities.

Mga two-star at three-star hotels ang maaaring gamiting isolation facilities habang hihingi sila sa Department of Education (DepEd) ng karagdagang school buildings para gawin itong isolation facilities lalo na at walang isinasagawang face-to-face classes.

Pagtitiyak ni Roque na may sapat na pondo ang pamahalaan para magtayo ng karagdagang quarantine sites at mag-deploy ng mga tauhan para manduhan ang mga nasabing pasilidad.

Facebook Comments