Mga karahasan na may kaugnayan sa halalan dapat nang matuldukan – Palasyo

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pananambang kay San Fernando Cebu Mayor Lakambini Reluya.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang mga ganitong karahasan lalo na sa panahon ng halalan ay dapat nang matuldukan.

Tiniyak din ni Panelo na gagawin ng Pamahalaan ang lahat upang mapanagot ang mga nasa likod ng pananambang dahil kailan man ay hindi pahihintulutan ng administrasyong Duterte ang ganitong mga insidente dahil ito ay itinuturing na sumpa sa demokrasya ng bansa.


Hinikayat din naman ng Malacañang ang mga tumatakbo sa halalan na tigilan na ang mga maling pamamaraaan para manalo sa halalan.

Facebook Comments